Dita
Pat Gutierrez, Renne Dela Cruz, Linda Basical, Guila Baraquiel, Angie Genova, Maxima Catindig, Juanita Batalla, Irma Cardeño, Tita Dela Cruz, Betty Nadal, Leticia Mercado, Cara Basuan, Ma. Cristina Adicio, Amy Barqueros, Brendaliza Allance, Estela Abicidi, Maritess Abo, Virgi Alangco, Brenda Alcasid, Mildred Alim, Emma Alinsunurin, Lourdes Alinsunurin, Jennifer Almarez, Maribe Almayan, Marites Almayan, Maria Almario, Tessa Almato, Amy Austria, Socorro Bacongan, Maxima Bantatua, Salome Barqueros, Evelyn Basco, Flora Basical, Carmen Basuan, Marissa Basuan, Moises Basuan, Amalia Bugnol, May-Ann Bullo, Annabel Caliquia, Eloisa Camaclang, Guadalupe Capio, Angelita Capuchino, Fortunata Capuchino, Marilyn Capuchino, Mildred Capuchino, Dina Carapatan, Honorata Cardeño, Filiomina Casacop, Herminigilda Casacop, Jenara Casacop, Joan Casacop, Joyce Casacop, Cristina Castilla, Maricel Castillo, Gemma Clemen, Anna Marie Colico, Purification Concepcion, Jennelyn Concepcion, Juni Concepcion, Filipina Cuaco, Linda Cuenca, Ignacia De Guzman, Leonila De Luna, Josefina Delos Reyes, Edna De Ocampo, Leonida Dimaunahan, Eva Diola, Nikki Diola, Carol Doroja, Celerina Dumas, Rizza Eduave, Leny Epana, Julieta Escolar, Haydee Escosura, Raquel Escosura, Margarita Esteban, Loreta Evangelista, Racel Evangelista, Shiela Evangelista, Emerita Fernandez, Marianne Francisco, Lalie Galang, Laurice Gelpa, Marilyn Gonzales, Estrella Guerta, Genaly Guerta, Jay Arcita Guerta, Juliana Guerta, Lilia Guerta, Marites Guerta, Minerva Guerta, Natalia Guerta, Regina Guerta, Romalyn Guerta, Ruby Anna Guerta, Teresita Guerta, Trinidad Guerta, Veronica Guerta, Romelyn Honrales, Snnslyn Jsnoys, Eloida Jintalan, Mary Rose Justiniane, Jona Laranga, Trinidad Laranga, Elvie Lozoda, Rubelyn Madelo, Emma Malabanan, Belinda Manguerra, Cherry Mae Mat-Ao, Grace Marchante, Casimira Mojica, Estrella Muere, Aida Musa, Elisa Musa, Maralyn Nicolas, Lina Obrero, Rosario Olivarez, Mayeth Oracion, Leni Orbeta, Emily Orencia, Baby Sugar Pamplona, Fe Pantiosa, Rowena Potulan, Marivie Privaldos, Lorela Ramos, Vivian Rama, Evelyn Ranez, Lovely Ranez, Dinah Recidocruz, Florian Reyes, Basilisa Rivera, Marietta Rodrigue, Marisol Rodrigo, Aileen Ruiz, Celia Siawingco, Irene Susim, May Jane Susim, Marife Tanuan, Emy Mali, Odeth Umali, Teodoro Viejo, Jorellyn Ygot."At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran." - Luke 4: 8
INTRODUKSYON
Maaaring nilayon ng Espiritu Santo na iwan sa atin ang Liham ni Judas upang higit nating hangaan ang mga Ebanghelyo at ang ibang sinulat ng mga apostol. Kailangang makilala sana natin ang panitikan nang kapanahunang iyon upang mabatid kung gaano kasalimuot at hindi kapani-paniwala ang mga aklat na relihiyoso, maging ang mga aklat ng mga Judio at ng mga pagano. Bilang paghahambing, masasabing kabilang sa siglong ito ang mga Ebanghelyo at si Pablo. Ang liham na ito ay sinasabing sinulat ni Judas Tadeo at ginawa, sa katotohanan, nang nagtatapos na ang unang siglo. Tinutuligsa niyon ang mga bulaang guro, na siya mismong binabanggit sa mga liham nina Timoteo at Tito. Gayunman, ang mga paghahambing at halimbawa na ginamit ay hinango sa mga aklat na Judio nang panahong iyon. Hindi pa itinakda ng Iglesya kung alin sa mga aklat ang inspirado ng Diyos at naging bahagi ng Biblia. Bukod sa Lumang Tipan, ginamit ng mga Kristiyano ang panitikang relihiyoso ng mga Judio (halimbawa, ang Aklat ni Enoc, ang Testamento ng Labindalawang Patriyarka, ang Pag-akyat ni Moises), at marami pang leyenda na may kinalaman sa mga sinaunang panahon na makikita natin sa liham na ito. Sa anyo nito, na maaaring sinauna sa ating tingin, ay mayroong malakas na panawagan na pangalagaan ang kinakailangang pananampalataya ng mga apostol, na nang panahong iyon, ay isang taimtim na kaabalahan ng Iglesya. Kaya nga, nang sumunod na ilang taon, ang awtor ng 2 Pedro ay kinopya ang isang bahagi ng liham na ito.
TEXT
1 Bati ni Judas, na lingkod ni Jesucristo at kapatid ni Jaime, sa mga minamahal ng Diyos at tinatawag para manatili kay Jesucristo.
2 Managana nawa kayo sa awa, kapayapaan at pag-ibig.
3 Mga minamahal, labis kong hinangad na sumulat sa inyo tungkol sa ating kaligtasan, ngunit ngayon, napipilitan akong sumulat sa inyo at humingi na ipaglaban ang ganap na pananampalatayang ipinagkatiwala nang minsanan sa mga banal.
4 Sapagkat mayroong mga taong nakapasok sa inyo na talagang mga tampalasang isinakdal na mula pa noon sa ganitong pagkakasala. Pinalitan nila ng kahalayan ang kaloob ng Diyos at tinatanggihan si Jesucristo na ating Panginoon.
5 Batid man ninyo ang lahat ng ito, gusto ko pa ring ipaalaala na hinango ng Panginoon ang bayang Israel sa Ehipto ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nilipol niya ang mga di-sumampalataya.
6 Gayundin ang ginawa niya sa mga anghel na hindi nanatili sa kanilang karangalan. Pagkaiwan nila sa kanilang sariling lugar, inilaan silang walang-hanggang magapos sa kadiliman hanggang sa paghahatol sa Dakilang Araw.
7 Gayundin ginawang isang halimbawa ang Sodoma at Gomorra at ang mga bayang nasasakop nila na nagbili ng sarili sa kahalayan at pinagnasahan nila ang mga anghel. Walang-hanggan ang pagdurusa nila sa apoy.
8 Ganoon din ang mga iyan sa kanilang kahibangan: dinudungisan nila ang kanilang sariling katawan, hinahamak at nilalait ang mga taga-langit na kapangyarihan at kaluwalhatian.
9 Ngunit alam ninyo na sa pakikipagtalo ng arkanghel na si Miguel sa diyablo dahil sa bangkay ni Moises, ay hindi siya nangahas tumuligsa sa diyablo. Sinabi lamang niya: “Pagsabihan ka nawa ng Panginoon!”
10 Nilalapastangan naman ng mga iyan ang hindi nila nauunawaan, at kung mayroon silang likas na kaalaman, parang sa hayop na walang isip ito at ikinapapahamak lamang nila.
11 Sawimpalad sila! Sinundan nila ang landas ni Kain at napadala sila sa pandaraya ni Balaam alang-alang sa salapi. Sa wakas, mapapahamak sila kasama ng mapanghimagsik na si Kore.
12 Sila ang sumisira sa inyong mga salu-salong magkakapatid: walang hiya nilang pinakakain ang sarili. Ang sarili lamang ang pinangangalagaan nila: mga ulap na walang tubig na tinatangay ng hangin, mga punungkahoy na walang bunga sa taglagas, dalawang beses namamatay at handang bunutin;
13 naisasaboy ang bula ng kanilang mga bisyo sa masasamang alon ng dagat. Katulad sila ng mga talang ligaw na papunta sa pusikit na kadiliman magpasawalang-hanggan.
14 Sila ang mga tinukoy ni Enoc, ang ikapito sa lahi ni Adam; nagpropeta siya nang sabihin: “Heto: dumarating ang Panginoon na kasama ang libu-libo niyang mga banal.
15 Hahatulan niya ang lahat; pagsasabihan niya ang mga tampalasan sa lahat ng katampalasanang nagawa nila, at sa lahat ng mga paglait na nasabi ng mga makasalanan at tampalasan laban sa kanya.”
16 Tinutukoy nito ang mga tumututol at dumaraing. Sumusunod sila sa kanilang mga pagnanasa habang nagsasalita nang palalo ang bibig nila. Mapagmapuri sila para sa kanilang sariling kapakanan.
17 Alalahanin ninyo, mga minamahal, ang sinabi ng mga apostol ni Jesucristo, aking Panginoon.
18 Sinabi nga nila: “Sa huling panahon lilitaw ang mga manlilibak na susunod sa kanilang mga pagnanasa – na makasalanang mga pagnanasa.
19 Sila ang gumagawa ng hidwaan sa inyo. Makalupang tao sila na hindi taglay ang espiritu.
20 Ngunit kayo naman, mga minamahal, itayo ang inyong pagkatao sa batayan ng inyong napakabanal na pananampalataya. Dumalangin kayo sa Espiritu Santo,
21 ingatan ninyo ang sarili sa pag-ibig ng Diyos, maging handang tumanggap ng awa ng ating Panginoong Jesucristo at akayin sa buhay na walang-hanggan.
22 Kung may nag-aalinlangan, hikayatin ninyo sila;
23 hanguin ninyo sa apoy ang iba at iligtas sila; kahabagan naman ang iba nang maingat at kasuklaman maging ang damit na nadungisan ng kanilang katawan.
24 Sa kanya na may kakayahang ingatan kayo, panatilihin kayong walang pagkahulog at iharap kayong magalak at walang kapintasan sa kanyang Kaluwalhatian,
25 sa iisang Diyos na nagliligtas sa atin kay Jesucristo na ating Panginoon – sa kanya nawa ang kaluwalhatian, karangalan, lakas at kapangyarihan mula sa simula pa at magpasawalanghanggan.
Amen.
"Nguni't tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y magiingat sa masama."
- 2 Thessalonians 3:3